Skip to content
Back to Songs and Prayers

Ang tradisyonal na panalanging dinarasal tuwing ika-6 ng umaga, tanghali, at ika-6 ng gabi bilang pag-alala sa pagbati ng Anghel kay Maria at sa pagkakatawang-tao ni Hesus.


Binati ng Anghel ng Panginoon si Ginoong Santa Maria.

At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo.

Aba, Ginoong Maria,

napupuno ka ng grasya,

ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,

at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,

ipanalangin mo kaming makasalanan,

ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.


Narito ang alipin ng Panginoon

Maganap nawa sa akin ayon sa Wika Mo.

Aba, Ginoong Maria,

napupuno ka ng grasya,

ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,

at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,

ipanalangin mo kaming makasalanan,

ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.


At ang Verbo ay nagkatawang-tao.

At nakipamayan sa atin.

Aba, Ginoong Maria,

napupuno ka ng grasya,

ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.

Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,

at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,

ipanalangin mo kaming makasalanan,

ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.


Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,

nang kami'y maging dapat makinabang

sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.


Manalangin Tayo

Panginoon naming Diyos,

kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa

ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahil sa pamamalita ng Anghel

ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo,

pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay Niya sa Krus,

ay pakinabangan Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli

sa kaluwalhatian sa Langit,

alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon.

Amen.


Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kapara noong unang-una,

ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen.